INTRO– GLOSSARY

ImageCr: http://www.peopleofcolororganize.com

Bago tayo magsimula sa napakaraming kwento tungkol sa mga kosa natin sa Makati City Jail, simulan muna natin sa definition of terms o bigyan muna natin ng kahulugan yung mga salitang madalas natin gagamitin sa mga storya dito sa blog na to. Yung mga definitions dito, hindi official. Ako lang talaga nag-isip nyan, base sa pagkakaintindi ko. Para lang hindi maging alien sa mga mambabasa ng blog na to.

1. MADAC – Mga “pulis” pangkalawakan. Biro lang. MADAC stands for Makati Anti-Drug Abuse Council. Sila yung mga kadalasang nanghuhuli sa mga taong involved sa drugs.

2. Fall- In – Eto yung oras ng bilangan o head count.

3. Onse – Bartolina. Bakit? Kasi walang bartolina sa Makati City Jail. Bale sampu kasi yung selda sa Male Dorm. Yung pang-11, ginawa nilang bartolina. Dito nilalagay pansamantala yung mga pasaway na mga inmates. Bawal sila dalawin pag nasa onse sila.

4. Tawiwit – Mga sumbungero, sa wika natin. Sila yung mga sipsip sa mga empleyado ng MCJ.

5. Padlock – Pag gabi na o kaya papasok si warden sa loob, nilalock lahat ng selda. Padlock tawag dun.

6. Labas-dalaw – uuwi na yung mga dalaw pag ganyan. usually 4 or 5 pm.

(Madadagdagan pa to, di ko kasi maalala lahat ng terms pero ma-update din to.)

O eto, intro. Ako nga pala si Seven Cruz. Bakit ko ginawa tong blog na to? Wala lang, trip ko lang. Joke lang. Ang totoo, yung papa ko, isa sa mga inmates sa loob ng box. Isa siya sa mga kasalukuyang nakatira sa box ngayon. Yung box na yun, malungkot. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, ayokong tumapak sa lugar na yun, kung di lang sa papa ko. Don’t get me wrong, hindi ko ginawa tong blog na to para manira. Point-of-View ko lang lahat ng mag isusulat ok dito. Gusto ko lang marining, gusto ko lang maging eye-opener kumbaga.

Madami kasing mga istoryang nakukubli na lang sa loob ng box na yun. May nakakatawa, may amazing, may annoying, may nakakaiyak. Pero, lahat dun, for sure, lahat sila malungkot pag gabi na. Pag labas-dalaw na tapos ipapadlock na sila. Pag kailangan na nila ipikit yung mga mata nila para matulog at salubungin ang kinabukasan. Siguro yung iba sa kanila bago makatulog ng tuluyan, naiiyak pa.

Inuulit ko lang ah, wala akong gustong siraan. Lahat ng mga ipopost ko dito, nangyari sa totoong buhay, at base sa mga totoong taong nakakasalamuha ko sa loob. Sorry na lang sa mga tao na matatamaan o masasaktan sa mga post ko dito. Paki e-mail na lang ako sa sevencruz_666@hotmail.com kung may problema mga tol.

Advertisements
Posted in Uncategorized | Tagged , | Leave a comment